Thursday, February 7, 2008

No room for my awards

Buong bansa kung saan lugar may timpalak ng surfing. Mga binunga ng aking pagpapagal. Karangalan hindi maaring tumbasan ng anuman

Wednesday, February 6, 2008

Edmund Mendoza aka 'Janggo'

Lineup as International Professional Surfer

About me

lumaki ako sa tabi ng dagat, palibhasa walang ibang pagpipiliang playground sa aming lugar kundi sa baybayin. Paglangoy at pagtakbo. Dahil ito ay silangang bahagi dagat pasipiko. Mas maraming panahon na ito maalon. Kaya natutunan namin maglaro sa alon gamit ang anumang piraso ng kahoy na malapad. Ngunit sa panahon iyon malaon na nadiskubre ang lugar naming ito sa Baler na ito ay laruan ng surfing. Kaya bata pa lamang ako naghili na ako sa mga naglalaro ng surf kasama ng mga dayuhan galing ibang bansa. Kaya inumpisahan ko gumawa ng paraan para magka-surfboard dahil wala kakayahan ang tatay ko na bilhan ng sariling surfboard. Kahit pangarap niya nun na ako maging dalbhasang sportman sa larong surfing.

Patago ko ginagamit kabayo ng plantsa ng nanay ko. Nilagyan ko ng pin sa ilalim nito at mabilisan kabitan ng tornilyo. Para madali ko maisasauli kapag tapos ko ng gamitin. Sinsamantala ko kapag wala siya sa bahay. Kaya sa panahon na gingamit niya ito. Nagtataka parati siya kung laging basa pag gagamitin niya na sa pamamalantsa.

Nang maglaon nagsimula akong manghiram ng surfboard sa mga bakasyonista dayuhan mula sa ibang naglalaro nito na sa simula ay kinaibigan ko. Kaya pinalada ako na maregaluhan ng surfboard mula sa kanila. Iniwan sa akin para wala na silang bitbit pa paguwi sa kanilang bansa.